Job 21

1Pagkatapos sumagot si Job at sinabing, 2“Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, at hayaan ninyong maging tulong ninyo ito sa akin. 3Pagtiisan ako, at magsasalita rin ako; pagkatapos kong magsalita, ipagpatuloy ninyo ang inyong panlalait.

4Para sa akin, sa tao ba dapat ako magreklamo? Bakit hindi dapat ako mainip? 5Tingnan ninyo ako at mabigla, at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong mga bibig. 6Kapag iniisp ko ang aking mga paghihirap, ako ay nababagabag, at nananaig ang takot sa aking laman.

7Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay? 8Natatatag ang mga kaapu-apuhan nila sa kanilang paningin, at natatatag ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga mata. 9Ligtas ang tahanan nila mula sa takot; kahit sa pamalo ng Diyos sa kanila.

10Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito. 11Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito. 12Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.

13Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. 14Sinasabi nila sa Diyos, ‘Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo. 15Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?’

16Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao. 17Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit? 18Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?

19Sinasabi ninyo, ‘Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak’. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya. 20Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan. 21Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?

22Mayroon bang makapagtuturo ng kaalaman sa Diyos dahil siya ang humahatol kahit ng mga nasa nakatataas? 23Namamatay ang isang tao habang malakas pa siya, nang payapa at panatag. 24Puno ang katawan niya ng gatas, at matibay ang kaniyang mga buto at nasa mabuting kalagayan.

25Ang iba naman ay namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa, ang siyang hindi pa nakararanas ng kahit anong mabuti. 26Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.

27Tingnan ninyo, alam ko ang nasa isip ninyo, alam ko ang mga paraan kung paano ninyo ako nais hamakin. 28Dahil sinasabi ninyo, ‘Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?’

29Hindi ninyo pa ba tinatanong ang mga manlalakbay? Hindi ninyo ba alam ang katibayan na kaya nilang sabihin, 30na ang masamang tao ay iniingatan mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot?

31Sino ang hahatol sa kaniya nang harapan dahil sa masasama niyang pamamaraan? Sino ang maghihiganti sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawa? 32Pero ililibing siya; babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod. 33Magiging matamis sa kaniya ang mga tipak ng lambak; susundan siya ng lahat ng mga tao, dahil hindi mabilang ang tao na nauna sa kaniya.

Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?”

34

Copyright information for TglULB